Lacson sa paglipat Pederalismo: “Easier said than done”
Kung si Senador Panfilo Lacson ang tatanungin, ‘easier said than done’ ang sinasabing proseso ng pagpapalit ng sistema ng gobyerno mula presidential tungo sa federal form.
Ito ang reaksyon ni Lacson matapos na lumutang ang usapin ng posibilidad na mapalawig ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nagkaroon ng pagpapalit ng sistema ng gobyerno.
Paliwanag ni Lacson, napakahirap umanong ikunsidera ang proseso lalo at sang-ayon sa pagtantya ng mga proponents ay isasagawa ang plebisito sa Mayo
Malinaw ayon kay Lacson na gipit sa panahon ang mga nagsusulong ng pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-amyenda sa saligang batas.
“Easier said than done especially with the timeline that they’re looking at which is the conduct of a plebiscite in May this year. Time is not on the side of those advocating for change of our constitution,” ayon sa senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.