Sinuspinde rin ng DFA ang certificate of product registration ng Dengvaxia nang isang taon.
Ayon sa FDA, lumabas sa records at ebidensya na hindi sumunod ang Sanofi Pasteur sa post-marketing authorization issuance commitments at regulatory requirements para sa Dengvaxia at Dengvaxia MD.
Una nang sinuspinde ng FDA ang pagbebenta ng Dengvaxia matapos isiwalat ng Sanofi na posibleng magdulot ng mas malalang sintomas ang mga mababakunahang hindi pa nagkaka-dengue.
Bunsod nito, naalarma ang publiko sa kontrobersyal na bakuna sa dengue na inilunsad noong panahon ni dating pangulong Benigno Aquino III.