Batay sa memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, papayagan lamang ang official foreign travel kapag bahagi ito ng mandato ng opisyal, hindi mahal ang inaasahang gastusin nito at may pakinabang ang bansa rito.
Kinakailangan din ng mga opisyal na kumuha ng travel authorization mula sa kanyang ahensya, kabilang ang kanyang mga personal na pagbyahe kahit na walang gastusin ang gobyerno rito.
Inatasan din ang mga otorisadong pinuno ng ahensya na magsumite ng listahan ng mga inaprubahang byahe sa Office of the Executive Secretary at Department of Interior and Local Government.
Mahaharap ang mga mabibigong sumunod dito sa kasong administratibong kaso ng misconduct, insubordination at iba pang kaugnay na paglabag sa ilalim ng Civil Service Commission Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service.
Ang hakbang na ito ng Malacañang ay kasunod ng mga pagsibak ni Duterte sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa madalas na pagbyahe abroad.