1,300 MMDA enforcers, ide-deploy sa Pista ng Nazareno

January 04, 2018 - 12:01 AM

Dahil sa kapal ng tao na inaasahang dadagsa sa Pista ng Nazareno at sa bigat ng trapiko na maaring idulot nito, magde-deploy sa Enero 9 ang Metropolitan Manila Development Authority ng 1,300 traffic enforcers.

Ayon kay Celine Pialago, Spokesperson ng MMDA, Enero 5 pa lang ay sisimulan na nila ang deployment ng kanilang mga tauhan sa Quirino Grandstand bilang bahagi ng kanilang emergency preparedness sa Pista.

Tutukan ng naturang mga personnel ang pagbibigay ng first aid at pagbabantay sa Pahalik sa Enero 8, gayundin ang pagdadala sa Black Nazarene sa Luneta.

Dagdag pa ni Pialago, nakahanda ang kanilang pwersa at susuporta sila sa Manila Police District.

Inaasahang aabot sa 19 na milyong deboto ang lalahok sa mga aktibidad sa Pista ng Black Nazarene.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.