Term extension para kay Duterte posible pa rin ayon kay Pimentel

By Ruel Perez January 03, 2018 - 05:39 PM

Inquirer file photo

Posible umanong mapalawig ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Federalism.

Paliwanag ni Senate President Koko Pimentel, nakadepende ito sa magiging transitory provisions ng bagong Saligang Batas na siyang magtatakda ng bagong porma ng pamahalaan.

Ayon pa kay Pimentel, depende rin ito kung kailan maaamyendahan ang Konsttitusyon dahil kung maipapasa ito sa taong 2019 ay magiging transitory period ang susunod na tatlong taon.

Ipinaliwanag ni Pimentel na kinakailangang palawigin ang termino ng pangulo kung kinakailangan at handa ang pangulo para dito.

Pero giit ni Pimentel, dahil taong bayan naman ang mag-aapruba ng bagong Saligang Batas kaya taong bayan din ang mistulang magpapatibay kung bibigyan ba ng term extension ang pangulo.

TAGS: duterte, federalism, Pimentel, Senate, duterte, federalism, Pimentel, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.