Tuloy ang eleksyon sa susunod na taon ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang nakasaad sa Saligang Batas.
Aniya, nakatakda doon ang pagdaraos ng halalan kada tatlong taon.
Ayon kay Roque, magpapatuloy ang 2019 elections maliban na lamang kung aamyendahan ang Saligang Batas.
Una nag sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng ipagpaliban ang halalan sa susunod na taon kapag umarangkada ang planong pairalin ang federalism sa bansa.
Ayon kay Alvarez, maaaring mag-convene ang Kongreso ngayong buwan para talakayin ito at magsagawa ng referendum sa Mayo, kasabay ng nakatakdang Barangay election.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.