“Agaton” nakalabas na ng Pilipinas

PAGASA

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Agaton.

Ibinaba na rin ng PAGASA ang tropical cyclone warning signals sa ilang mga lalawigan tulad ng Palawan.

Huling namataan ang Tropical Storm Agaton na may layong 440 kilometro sa Kanluran Hilagang-Kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Dala nito ang hanging aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Bagaman nasa labas na ng bansa ang bagyo, inaasahan pa rin ang katamtaman hangaang malalakas na ulan sa Bicol Region, Rizal, Aurora at Quezon dahil sa Tail-end of Cold Front.

Mapanganib pa rin ang paglalayag sa Northern at Southern Luzon, eastern seaboard ng Central Luzon, eastern at western seabords ng Visayas at eastern seabord ng Mindanao dahil sa hanging Amihan.

Read more...