Palasyo, kumpiyansa na hindi makaka-apekto sa investor confidence ang kidnapping sa Samal Island
Hindi nakikita ng Malacañang na makaaapekto sa pang-aakit ng bansa ng mga investor ang naganap na pagdukot sa tatlong dayuhan at isang pilipina sa Davao del Norte.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang mataas na pagturing sa atin ng mga mamumuhunan, kapitalista at negosyante ay batay sa mahusay na pamamahala ng administrasyon sa ekonomiya.
Patuloy aniya ang pagpapatupad ng pamahalaan ng maayos na pakete para sa gustong mamuhunan sa bansa.
Sinabi ni Coloma na bahagi din ng mabuting pamamahala ang pagtiyak sa seguridad at paglimita sa kriminalidad sa bansa
Sa lugar naman aniya ng pinangyarihan ng high-profile abduction or kidnapping incident ay stable naman ang peace and order condition doon
Sa mahigit na 14 na taon aniya, wala namang kahalintulad na kaganapan kaya nananalig aniya sila na patuloy ang matatag na imahe ng Pilipinas sa global financial and investment community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.