NCCC Mall at SSI Company sa Davao City, pinatawan ng indefinite suspension ng PEZA

By Mariel Cruz January 03, 2018 - 01:24 PM

Pinatawan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng indefinite suspension ang US-based outsourcing firm na Research Now SSI at New City Commercial Center o NCCC Mall sa Davao City kaugnay ng naganap na sunog na ikinasawi ng tatlumpu’t walong empleyado.

Inilabas ni PEZA Director General Charito Plaza ang nasabing suspension order laban sa registration ng Research Now SSI bilang BPO company at NCCC Mall bilang economic zone noong nakaraang linggo.

Ayon kay Plaza, kapag suspended ang PEZA registration ng isang kumpanya, hindi na ito maaaring mag-operate at lahat ng incentives nito ay ipatitigil.

Maaari lamang aniya silang mag-operate muli kapag nakuha na nila ang lahat ng kinakailangan na clearance at, nakasunod sa safety requirements ng PEZA, Bureau of Fire Protection, local government unit, at Department of Labor and Employment.

Ayon pa kay Plaza, simula noong 2013 ay taun-taon na silang nagpapadala ng liham sa Research Now SSI sa Davao City matapos madiskubre ng PEZA na hindi ito sumusunod sa safety standards.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.