PCSO, naglabas ng ebidensya vs. Sandra Cam at Atong Ang sa pagbisita sa ilang opisyal ng ahensya

By Jan Escosio January 03, 2018 - 10:42 AM

Photo: PCSO

Inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga larawan ng pagdalaw nina jueteng whistleblower Sandra Cam at gambling operator Atong Ang kina PCSO Chairman Jose Corpuz at PCSO General Manager Alex Balutan.

Sa nasabing larawan, makikita si Ang habang kausap sina Corpuz at Balutan.

Sinabi ni Balutan na sinamahan ni Cam si Ang sa kanilang opisina at ang pag-uusap ay naganap noong Setyembre 2016 o ilang buwan matapos maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.

Dagdag pa ni Balutan, inilabas nila ang picture para pabulaanan ang sinasabi ni Cam na hindi pa niya nakaharap ang dalawang opisyal ng PCSO.

Ibinahagi din ni Balutan na sa pulong ay inalok nina Cam at Ang, ang kanilang serbisyo na patakbuhin ang Small Town Lottery sa buong bansa kapalit ng bahagi nila na P200 million kada buwan sa kita ng naturang sugal.

Ayon pa kay Balutan, agad nilang inayawan ang alok nina Ang at Cam.

Ngayon ay hindi nagkakasundo ang dalawang opisyal ng PCSO at si Cam dahil sa paninira sa ahensiya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.