Higit 500 pasahero, stranded sa ilang pantalan sa Bicol at Northern Mindanao

Photo: PCG’s Twitter account

Mahigit limangdaang pasahero ang stranded ang ilang pantalan sa Bicol at Northern Mindanao dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Agaton.

Ayon sa Philippine Coast Guard, kabuuang 582 na pasahero ang stranded sa mga pantalan.

Sa nasabing bilang, 25 na pasahero ang stranded sa Bulan port sa Sorsogon, 470 sa Pulauan port sa Dapitan, at 87 naman sa Nasipit port sa Butuan.

Hindi naman pinayagan na maglayag ang hindi bababa sa apatnapu’t walong rolling cargoes at tatlong vessels sa Pulauan port, at isang vessel sa Nasipit port.

Samantala, kabuuang 27,591 na outbound passengers ang namonitor ng Coast Guard sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.

Ayon sa PAGASA, patungo na sa West Philippine Sea ang bagyong Agaton.

Read more...