220 CCTV cameras, ipakakalat sa Pista ng Itim na Nazareno

By Ricky Brozas January 03, 2018 - 08:33 AM

Ipakakalat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o NDRRMO ang kabuuang 220 CCTV Cameras sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon ng mahal na itim na Nazareno.

Sinabi ni Johny Yu, Hepe ng MDRRMO na ang mga naturang CCTV ang magsisilbing mata sa kapistahan ng Black Nazarene.

Bukod sa mga CCTV ay mayroon ding mahigit limang libong tauhan nila, kabilang na ang Medical Rescue Team ang aalalay sa daraanan ng Prusisyon.

Milyung-milyong deboto ang inaasahan ng NDRRMO na dadagsa sa araw ng pista.

Kung kaya’t mayroong 26 na inilagay na ring silang Medical stations at apat na Command posts mula Quiapo, Luneta, Manila City Hall hanggang sa Headquarters ng MPD para kaagad na makaresponde at makapaghatid ng serbisyo-Medical.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.