36 patay matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa Peru

By Mariel Cruz January 03, 2018 - 08:31 AM

Photo: Associated Press

Hindi bababa sa tatlumpu’t anim katao ang nasawi makaraang sumalpok sa isang truck at mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Peru.

Ayon kay Col. Dino Escudero, pinuno ng police highway patrol division, tatlumpung bangkay ang narekober habang anim ang na-trap sa loob ng bus.

Nabatid na bumibiyahe patungong Lima, Peru ang bus na nagmula sa Huacho City nang maganap ang aksidente.

Kabuaang limampu’t tatlo ang sakay ng nasabing bus na nahulog sa bangin na may lalim na 100 meters o 330 feet.

Isang helicopter na ang ginamit para sa rescue operations at nagpadala na din ng ang Navy ng patrol boat para tumulong naman na mailigtas ang iba pang sakay bus.

Nasa anim katao naman ang kumpirmadong nakaligtas sa aksidente.

Sinabi naman ni Luis Martinez, kinatawan ng Transportes San Martin de Porres, hindi pa nila makumpirma kung buhay o patay na ang driver ng bus.

Pero iginiit ni Martinez na sumailalim sa mechanical check ang naturang bus bago umalis sa bumiyahe mula sa Huacho City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.