Ang naturang polling firm ay ang nagsabi ring ang Pilipinas ay ang ikatlong pinakamasayang bansa sa buong mundo na ikinalugod ng Malacañang.
Batay sa survey, 87 porsyento ng mga Filipino ang may positibong pananaw sa Santo Papa at nakakuha lamang ng 7 porsyentong negatibong komento.
Nakuha ng lider ng Simbahang Katolika ang +80 net score sa bansa, na bukod tanging Katolikong nasyon sa Asya.
Samantala, pumangalawa naman si US President Donald Trump sa Santo Papa na nakakuha ng 72 porsyento nang positibong pananaw sa mga Filipino at may 23 porsyentong negatibo.
Nakuha ni Trump ang net score na 49.
Halos kalahati naman ng mga mamamayan sa bansa ang aprubado kay Russian President Vladimir Putin na nakakuha ng 47 porsyentong approval rate habang 27 naman ang may negatibong pananaw.
Nakuha ni Putin ang +20 na net score.
Sa kabila naman ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China, nakakuha ng -1 na net score si Chinese President Xi Jin Ping sa mga pinoy.
Tatlumpu’t limang porsyento ang favorable kay Xi habang mas mataas naman ng isang puntos o 36 percent ang hindi pabor sa kanya.