87% ng mga Pinoy, may positibong pananaw kay Pope Francis – Gallup

By Rhommel Balasbas January 03, 2018 - 02:48 AM

 

Nanguna sa taunang survey ng Gallup International Association si Pope Francis bilang world leader na may ‘most favorable image’ sa mga Filipino sa taong 2017.

Ang naturang polling firm ay ang nagsabi ring ang Pilipinas ay ang ikatlong pinakamasayang bansa sa buong mundo na ikinalugod ng Malacañang.

Batay sa survey, 87 porsyento ng mga Filipino ang may positibong pananaw sa Santo Papa at nakakuha lamang ng 7 porsyentong negatibong komento.

Nakuha ng lider ng Simbahang Katolika ang +80 net score sa bansa, na bukod tanging Katolikong nasyon sa Asya.

Samantala, pumangalawa naman si US President Donald Trump sa Santo Papa na nakakuha ng 72 porsyento nang positibong pananaw sa mga Filipino at may 23 porsyentong negatibo.

Nakuha ni Trump ang net score na 49.

Halos kalahati naman ng mga mamamayan sa bansa ang aprubado kay Russian President Vladimir Putin na nakakuha ng 47 porsyentong approval rate habang 27 naman ang may negatibong pananaw.

Nakuha ni Putin ang +20 na net score.

Sa kabila naman ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China, nakakuha ng -1 na net score si Chinese President Xi Jin Ping sa mga pinoy.

Tatlumpu’t limang porsyento ang favorable kay Xi habang mas mataas naman ng isang puntos o 36 percent ang hindi pabor sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.