Matapos ang mga jeep, mga lumang bus at truck, sunod nang ipi-phaseout-Orbos
Nakalinya na ring ipagbawal sa mga kalsada ang pagbiyahe ng mga luma at napabayaang mga truck at bus.
Ito ay kasunod ng pagsisimula ng bagong taon at inaasahang pag-arangkada na rin ng jeepney modernization program.
Ayon kay Department of Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Thomas Orbos, kasalukuyan nang nagsasagawa ng dayalogo ang kagawaran at ng mga truck owners at operators ng mga bus.
Iginiit ni Orbos na tulad ng mga sa jeepney, titingnan ang ‘road worthiness’ ng mga sasakyan at hindi lamang basta pagbabasehan ang mga edad nito.
Tiniyak ng opisyal na isasagawa ang phase-out sa mga truck at bus sa mabuting paraan nang hindi maaapektuhan ang mga commuter at delivery ng mga produkto at serbisyo.
Gayunman, hindi naman anya niya masasabi kung kailan lubhang maisasakatuparan ang ban sa mga naturang sasakyan ngunit sinabi niyang dapat itong gawin sa lalong madaling panahon.
Mayroong dalawa hanggang tatlong taong transition period ang gobyerno para sa modernisasyon ng mga public utility vehicles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.