LOOK: Klase sa ilang lugar, sinuspinde dahil sa bagyong “Agaton”

 

Sinuspinde na ng mga otoridad ang klase sa ilang lugar dahil sa pananalasa ng bagyong “Agaton.”

Base sa anunsyo ng mga lokal na pamahalaan, suspendido na ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa:

– Manito, Albay
– Donsol, Sorsogon
– Capiz
– Kawayan, Biliran
– Almeria, Biliran
– Biliran, Biliran
– Naval, Biliran

Samantala, wala namang pasok sa PRESCHOOL hanggang HIGH SCHOOL sa mga lugar ng:

– Irosin, Sorsogon
– Magallanes, Sorsogon
– Barcelona, Sorsogon

PRESCHOOL hanggang ELEMENTARY naman ang walang pasok sa:

– Bulan, Sorsogon
– Casiguran, Sorsogon

Nagdeklara na ng suspensyon sa klase ang mga lugar sa Bicol dahil sa malakas na pag-ulan at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council officer ng Manito, Albay na si Joebert Daria, natabunan ng putik ang bahagi ng kalsada sa kanilang bayan kaya hindi na maaring daanan ng mga commuters.

Read more...