Barko ng China, nag-emergency docking sa Northern Samar dahil sa bagyong “Agaton”

By Kabie Aenlle January 03, 2018 - 01:59 AM

 

Napilitan ang isang cargo vessel ng China na mag-emergency docking sa baybayin ng Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Pambujan, Northern Samar dahil sa malalakas na alon dulot ng bagyong “Agaton.”

Ayon sa hepe ng Northern Samar Provincial Police Office, natanggap ng Pambujan Municipal Police Station ang paghingi ng saklolo ng mga dayuhan pasado tanghali ng Martes.

Matapos nito, ang nasabing barkong may pangalang “Jin Ming No. 16” na may sakay na siyam na dayuhan at may bitbit na watawat ng China ay kalauna’y nakita 300 metro mula sa dalampasigan.

Tinukoy ni Diloy ang walo sa mga tripulante nito na sina Hans Febie, Xu Xi, Yin Yui Q Jin, Lu Wei Long, Chen Xin Chuen, Lun Xi Long, Wunens Jin, at Ho Sai Cheong.

Pinapaimbestigahan na rin ni Diloy ang mga nasabing dayuhan.

Napag-alaman na umalis sa China ang barko noon pang December 12 patungo sa Chila nang makaranas sila ng masamang panahon dahil sa Agaton.

Humingi sila ng saklolo at saka nakipagugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at sa Philippine Coast Guard sa Northern Samar.

Pagkatapos tiyakin ang kaligtasan sa tubig, sinimulan nang sagipin ng mga tauhan ng Coast Guard ang mga pasahero mula alas-6:00 ng gabi.

Ayon naman kay Coast Guard Eastern Visayas spokesman Cmdr. Lawrence Roque, nakiusap ang mga tripulante na ialis muna sila sa barko dahil pagod na sila sa tindi ng alon na humahampas sa kanilang sinasakyan.

Wala pang isang oras ay nasagip na silang lahat at dinala sa rural health unit para matingnan ang kanilang kalusugan, bago sila dalhin pansamantala sa tahanan ni Mayor Felipe Sosing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.