Mga sisibaking PNP official, iaanunsyo ni Pangulong Duterte sa linggong ito-Roque
Bukod sa napipintong pagsibak sa mataas na opisyal ng gobyerno, napipinto ring magsibak ng ilang opisyal ng Philippine National Police si Pangulong Rodrigo Duterte sa linggong ito.
Sa isang panayam, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ilang police Superintendent o PNP official na may katapat na ranggong ‘colonel’ ang napipintong sibakin rin sa puwesto ng pangulo.
Natapos na aniya ang imbestigasyon sa ilang mga pulis na nasasangkot sa iba’t-ibang uri ng kriminalidad at anomalya at lumitaw na kumpirmado ang mga ulat laban sa naturang opisyal.
Gayunman, tumanggi si Roque na kilalanin ang opisyal na sisibakin ng pangulo.
Paliwanag ni Roque, matagal nang ipinangako ng pangulo na lilisinin ang hanay ng gobyerno at mga law enforcement agencies laban sa katiwalian.
Una rito, sinabi rin ni Roque na may isang mataas na opisyal ng gobyerno ang sisibakin sana sa tungkulin ng psngulo sa mismong araw ng Bagong Taon.
Gayunman, nagpasya ang pangulo na ipagpaliban ng ilang araw ang pagsibak sa opisyal upang magawa pa nitong i-celebrate ang New Year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.