Pilipinas, 3rd happiest country sa mundo; Malacañang, welcome sa magandang balita

By Rohanisa Abbas January 02, 2018 - 07:09 PM

INQUIRER FILE

Kinilala ang PIlipinas bilang ikatlong pinakamasayang bansa sa mundo.

Batay sa ika-41 Annual Global End of the Year Survey ng Gallup International, naitala ng bansa ang net happiness score na 84 noong 2017. Mas mataas ito nang limang puntos sa rating nito na 79 noong 2016.

Pinakamasayang bansa naman ang Fiji sa net happiness score na 92, na sinundan ng Colombia sa 87.

 

Welcome naman sa Malacañang ang magandang balitang ito.

Ipinahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi nakakagulat na mataas ang ranggo ng Pilipinas dahil kilala ang mga Pilipino bilang masasaya at matatag na mga tao. Aniya, ngumingiti pa rin ang mga Pilipino sa gitna ng mga pagsubok.

Sinabi ni Roque na maganda ang pagapasok ng bagong taon sa bansa na ikatlo sa pinakamasayang bansa sa mundo, ikalimang pinakapositibo sa economic prosperity at ikasiyam na pinakapositibo sa 2018 prospects.

Dagdag ni Roque, ang pagiging postibong ito ay maiuugnay sa pagbabagong naranasan ng publiko sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak naman ng Malacañang na pananatilihin nito ang pace at momentum ng paglago ng bansa at maramdaman ito ng maraming Pilipino.

TAGS: happiest, Malacañang, optimistic, Pilipinas, Pilipino, happiest, Malacañang, optimistic, Pilipinas, Pilipino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.