Tropical cyclone warning signal sa 5 lalawigan para sa Bagyong Agaton, ibinaba na

By Rohanisa Abbas January 02, 2018 - 03:50 PM

PAGASA

Binawi na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signals na nakataas sa limang lalawigan dahil sa Bagyong Agaton.

Tanging ang Palawan, kabilang ang Cuyo Island ang nanatili sa Signal No. 1.

Patuloy na tinutumbok ng Bagyong Agaton ang Palawan sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 28 kilometro kada oras.

Dala nito ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Inaasahang magla-landfall ang Bagyong Agaton sa Palawan mamayang gabi.

 

 

TAGS: Bagyong Agaton, Palawan, signal no. 1, Bagyong Agaton, Palawan, signal no. 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.