2 patay sa landslide sa Malabuyoc, Cebu

Google Maps

Patay ang dalawa katao sa bayan ng Malabuyoc sa Cebu dahil sa landslide na idinulot ng ulang pinalakas ng Bagyong Agaton.

Kinilala ang mga biktima na sina Ritchel Pimentel ng Barangay Santo Niño at Flora Matas ng Barangay Looc.

Ayon kay Baltazar Tribunalo, pinuno ng Disaster Risk Reduction and Management Office, tumakbo palabas ng kanyang bahay si Pimentel nang gumuho ang lupa sa bahagi ng bundok dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Gayunman, nadulas si Pimentel at nahulog sa bangin. Naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit dead on arrival ito.

Samantala, hindi naman nakaligtas si Matas nang matabunan ng lupa ang bahagi ng kanyang bahay.

Ayon kay Tribunalo, inabisuhan na ng mga otoridad si Matas na lumikas sa kasagsagan ng malakas na ulan ngunit nanatili ito sa kanyang bahay. / Rohanisa Abbas

Excerpt:

Read more...