2 patay sa landslide sa Malabuyoc, Cebu

By Rohanisa Abbas January 02, 2018 - 03:32 PM SHARE(S):
Google Maps

Patay ang dalawa katao sa bayan ng Malabuyoc sa Cebu dahil sa landslide na idinulot ng ulang pinalakas ng Bagyong Agaton.

Kinilala ang mga biktima na sina Ritchel Pimentel ng Barangay Santo NiƱo at Flora Matas ng Barangay Looc.

Ayon kay Baltazar Tribunalo, pinuno ng Disaster Risk Reduction and Management Office, tumakbo palabas ng kanyang bahay si Pimentel nang gumuho ang lupa sa bahagi ng bundok dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Gayunman, nadulas si Pimentel at nahulog sa bangin. Naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit dead on arrival ito.

Samantala, hindi naman nakaligtas si Matas nang matabunan ng lupa ang bahagi ng kanyang bahay.

Ayon kay Tribunalo, inabisuhan na ng mga otoridad si Matas na lumikas sa kasagsagan ng malakas na ulan ngunit nanatili ito sa kanyang bahay. / Rohanisa Abbas

Excerpt:

TAGS: Bagyong Agaton, cebu, landslide, Malabuyoc, Bagyong Agaton, cebu, landslide, Malabuyoc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.