5,000 pulis ipakakalat sa kapistahan ng Black Nazarene

By Ruel Perez January 02, 2018 - 01:07 PM

Nakahanda na ang Manila Police District sa ipatutupad na seguridad sa gaganaping traslacion o Pista ng Black Nazarene sa January 9 sa susunod na linggo.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, magpapakalat ang MPD ng limang libong pulis at karagdagang 1,500 na augmentation forces mula sa ibang rehiyon.

Makatutulong aniya ang karagdagang 1,500 na pulis na magmumula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa iba pang rehiyon para matiyak ang kaligtasan sa kabuuan ng kapistahan.

Ayon pa kay Margarejo, bumuo rin ang MPD ng tatlong sub task group na tututok sa Plaza Miranda, Quirino Grandstand at sa ruta ng prusisyon.

Kaagapay ng MPD ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Department of Public Works and Highways, Philippine Red Cross, Department of Health at mga non-government organizations.

Noong nakalipas na taon, umabot sa 15 milyon ang mga debotong nakiisa sa mismong araw ng traslacion at inaasahan ngayong taon ay madaragdagan pa ng isa hanggang tatlong milyon ang mga dadagsang deboto sa araw ng pista.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Black Nazarene, manila police, Quiapo Church, Black Nazarene, manila police, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.