P4M halaga ng ari-arian, natangay sa mga guest sa hotel sa Pasay; pagpasok ng mga suspek huli sa CCTV
Kitang-kita sa kuha ng CCTV ang pagpasok ng apat na mga suspek sa isang hotel sa Pasay na pawing armado ng baril pasado alas 3:00 ng madaling araw ng Martes, January 2.
Sa pagtaya ng Pasay City police, aabot sa mahigit P4 milyon ang kabuuang halaga ng mga ari-arian at pera mula sa mga guest ang natanggay makaraang looban ng apat na ‘di nakilalang suspek ang Manor hotel sa FB Harrison, Pasay City.
Sa kuha ng CCTV, tinutukan ng baril ng mga suspek ang guwardiya at mga guest sa lobby ng hotel saka nilimas ang 33,000 petty cash mula sa counter at saka kinuha ang gamit ng mga guest kabilang ang relo, alahas at .38 revolver na gamit ng guardiyang si Jho-an Jabagat.
Ayon kay Supt. Jenny Tecson, natangay mula sa isang guest ng hotel na nakilalang si Dominador Castro, 57 anyos at isang OFW na taga-Baclaran ang isang Rolex wristwatch tinatayang nagkakahalaga ng US$30, 000 at mga alahas na nagkakahalaga ng US$29,950, nasa US$7,000 na halaga ng gadgets, at cash na US$15,800.
Kung susumahin, aabot sa US$82,750 o sa higit apat na milyong piso ang natangay.
Matapos ang nagawang krimen, mabilis na sumibat ang mga suspek sakay ng hindi naplakahan na itim na Hyundai Starex patungong Roxas Blvd.
Mayroong 150 rooms ang Manor Hotel at mahigit 50 ang guests na naka check-in nang maganap ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.