Bagyong Agaton bumilis pa, patungo na ng Palawan ayon sa PAGASA

By Dona Domiguez-Cargullo January 02, 2018 - 11:43 AM

Photo Courtesy: PAGASA

Nadagdagan pa ang bilis ng tropical depression Agaton habang tinatawid ang Sulu Sea patungong Palawan.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa 170 kilometers West ng Dumaguete City, Negros Oriental.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 28 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Palawan kabilang ang Cuyo Island
  • Guimaras
  • Negros Oriental
  • Negros Occidental
  • Southern Antique
  • Southern Iloilo

Ayon sa PAGASA, magdudulot ang bagyo ng malawakang katamtaman at malakas na pag-ulan sa mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1 gayundin sa Bicol Region, Eastern Visayas, Panay Island, Romblon, at Mindoro provinces.

TAGS: Bagyong Agaton, Pagasa, Palawan, Bagyong Agaton, Pagasa, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.