14 patay sa pamamaril sa isang simbahan sa Nigeria

By Len Montaño January 02, 2018 - 11:16 AM SHARE(S):
Photo by: AFP

Labingapat ang patay sa pamamaril sa isang simbahan sa Nigeria.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ng ilang suspects ang mga taong galing sa simbahan matapos ang misa para sa bagong taon.

Naganap ang pamamaril sa bayan ng Omoku na 90 kilometers o 56 miles mula sa Port Harcourt.

Dead on the spot ang labing-apat na churchgoers habang labing-dalawang iba pa ang nasugatan at dinala sa ospital.

Naglunsad ng manhunt operation ang rivers state police para sa ikadarakip ng mga gunmen.

Talamak sa lugar ang ilang makapangyarihang gang na madalas na nasasangkot sa mga mararahas na gang war.

TAGS: Nigeria, Omoku, rivers state police, shooting, Nigeria, Omoku, rivers state police, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.