Mga sundalong nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon, pananagutin – AFP

By Cyrille Cupino January 02, 2018 - 08:41 AM

Inquirer file photo

Hindi kukunsintihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga sundalong nasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa inilabas na pahayag ni Army Spokesman Lt. Col. Rey Tiongson, sinabi nito na iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) sina Corporal Richard John Quijano at retired Staff Sgt. Jamael Mindalano na naaresto matapos magpaputok ng baril sa Brgy. New Lower Bicutan sa Taguig.

Ayon kay Tiongson, aktibong miyembro ng Philippine Army si Quijano, habang nagretiro naman na sa serbisyo si Mindalano noong December 31, 2016.

Paliwanag ni Tiongson, wala nang jurisdiction sa mga retiradong miyembro ang Philippine Army, pero ang mga aktibo nilang miyembro na sangkot sa pamamaril ay maaring maharap sa mga kasong kriminal, dishonorable discharge from service, at forfeiture ng lahat ng pribilehiyo at mga benepisyo.

Ayon naman kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, mahigpit ang kanilang panuntunan sa illegal discharge of firearms at iba pang paglabag sa Articles of War.

Ayon kay Arevalo, sinumang military personnel na masasangkot sa mga paglabag ay tiyak na pananagutin.

Sina Mindalano at Quijano ay nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ng indiscriminate firing, alarm and scandal, illegal possession of firearms and ammunition, direct assault, resisting arrest, serious disobedience, at physical injury matapos masugatan ang isa nilang kapitbahay dahil sa iresponsableng pagpapaputok ng baril.

TAGS: AFP, AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, Army Spokesman Lt. Col. Rey Tiongson, Corporal Richard John Quijano, retired Staff Sgt. Jamael Mindalano, AFP, AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, Army Spokesman Lt. Col. Rey Tiongson, Corporal Richard John Quijano, retired Staff Sgt. Jamael Mindalano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.