Pagkaka-ospital ng 31 sa South Cotabato posibleng dahil sa maruming tubig
Posibleng maruming tubig ang dahilan ng pagkaka-ospital ng aabot sa 31 na katao sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay Dr. Renato Ureta, municipal health officer sa Tantangan, isinailalim na sa laboratory tests ang mga pasyente para malaman kung ano ang dahilan ng naranasan nilang diarrhea.
Sa ngayon hinihintay na lamang ang resulta ng pagsusuri.
Sinabi ni Ureta na sa 31 katao na naisugod sa Cotabato Provincial Hospital kahapon, 21 pa sa kanila ang naka-confine.
Ayon kay Utera, isa sa mga tinitignan nilang posibilidad ay maaring kontaminado ng cholera-causing bacteria ang water system sa Barangay New Iloilo.
Hindi rin inaalis ni Ureta ang posibilidad na food poisoning ang dahilan ng pagkaka-ospital ng mga biktima dahil dumalo sila sa isang birthday party bago ang insidente.
Kasabay nito ay pinayuhan ni Ureta ang mga residente sa barangay na pakuluan muna ang tubig bago inumin o gamitin sa pagluluto ng pagkain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.