Tone-toneladang basura, nakolekta sa Maynila matapos ang New Year’s celebration
Apatnaput walong mga truck ang napuno ng basura matapos linisin ang Maynila pagkatapos ng pagdiriwang ng bagong taon.
Tatlong mga truck ang agad na napuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang paglilinis ng Rizal Park, kung saan nasa 90,000 katao ang nagdiwang doon ng bagong taon.
Ayon naman kay Manila City Hall Department of Public Services Lilybelle Borromeo-David, humingi na sila ng tulong mula sa National Parks Development Committee para sa paglilinis ng Rizal Park dahil sa dami ng nagkalat na basura.
May kabuuang 45 mga truck ng basura ang kanilang napuno mula Divisoria at iba pang mga pampublikong palengke sa Maynila.
Ikinadismaya naman ng EcoWaste Coalition ang dami ng mga basurang nakolekta sa lungsod ng Maynila kasunod ng pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon kay Daniel Alejandre na isang zero waste campaigner ng naturang environmentalist group, karamihan sa mga nakolektang basura ay pawang mga recyclable materials. Aniya, nakakadismayang pinili ng marami na itapon na lang ang mga ito kaysa gamitin na lamang ulit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.