Natagpuan ang sunog na bangkay ng mga biktimang sina Edith Guinto, 43-anyos at Ella Marie Babon, 16, sa loob ng comfort room sa second floor ng kanilang tahanan sa San Diego St., Fiesta Community, Barangay Tabun, Angeles City.
Sa isang kuwarto naman natagpuan ang isa pang biktima na si Elizabeth Bautista, ina ni Babon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Angeles, nagising na lamang ang ilang residente nang madiskubreng nasusunog ang sasakyang Toyota Vios na may plakang AVA-9421 sa garahe ng bahay ng mga biktima dakong alas 4:00 ng umaga.
Agad kumalat ang apoy sa buong kabahayan na tumupok rin sa isa sa mga katabing-bahay ng mga biktima.
Nang maapula ang sunog, dito na natagpuan ang sunog na katawan ng tatlong babae.
Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan kung bakit bilang nasunog ang sasakyan ng mga biktima na sinasabing pinagmulan ng apoy.