Lalaking walang habas na nagpaputok ng baril, arestado sa Cubao

 

Arestado ang isang lalaki matapos walang habas na magpaputok sa New York Street, sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Edmund Barber, 48 taong gulang na residente sa naturang lugar.

Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 na si Superintendent Christian Dela Cruz, nakatanggap sila ng tawag mula sa Barangay Immaculate Concepcion tungkol sa isang lalaking apat na beses na nagpaputok ng baril.

Ayon umano sa mga kawani ng barangay, tinamaan ang paa ng isang babae dahil sa pamamaril ni Barber.

Ani Dela Cruz, maayos naman ang lagay ng babae at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Dahil sa ulat ay agad na nagtungo ang mga otoridad sa lugar, kung saan sa una ay nanlaban pa ang suspek.

Umamin naman si Barber na nagpaputok ito ng baril ngunit depensa nito, lasing lamang siya nang magpaputokl

Mahaharap ang suspek sa patung-patong na kasong illegal possession of firearm and ammunition, attempted homicide, frustrated homicide, alarm and scandal, at resisting arrest.

Read more...