Security guard, inaresto dahil sa indiscriminate firing

By Rohanisa Abbas January 01, 2018 - 10:51 PM

Inaresto ang isang security guard dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa bagong taon sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek na si Leonard Cantil, gwardya ng Royal Mandarin Security agancy.

Ayon sa pulisya, pinaputok ni Cantil ang kanyang kalibre .45 na Rock Island Pistol sa Taniman de Gloria Extension sa Batasan Hills dakong 12:30 ng madaling araw.

 

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakainom ng alak ang suspek nang gawin ang krimen.

Narekober kay Cantil ang pitong basyo ng bala, ang kanyang baril at isang magazine.

Nakadetine ang suspek sa QC Police Station 6.

 

TAGS: guard, indiscriminate firing, guard, indiscriminate firing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.