Ayon sa PAGASA, ang 1,763 barangay nahaharap sa panganib ng flashfloods habang ang 382 barangay ay nanganganib sa landslides.
Ayon kay PAGASA Director Esperanza Cayanan, may pagkakatulad ang Bagyong Agaton sa Bagyong Vinta na huling nanalasa sa Mindanao.
Sinabi ni Cayanan na katatapos lamang ng malalakas na ulan at basa pa ang mga kalupaan. Aniya, handa na ang mga tao sa lugar ngunit pinag-iingat pa rin ang mga ito sa flashfloods at landslides.
Ang mga naturang barangay na nanganganib sa flashfloods ay ang mga nasa lalawigan Albay, Camarines Norte, Sorsogon Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Bohol, Northern Samar Agusan del Norte, Agusan del Sur, Lanao del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao del Sur, Lanao del Norte, Bukidnon, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Ang mga barangay naman nanganganib sa landslide ay nasa mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Palawan, Romblon, Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, Bohol, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Negros OccidentalAgusan del Norte, Agusan del Sur, Lanao del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao delSur, Davao del Sur, Davao Oriental, Bukidnon, Misamis Oriental, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Samantala, inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa mga rehiyon ng Bicol, Luzon, Eastern Visayas, Caraga at Davao.
Inaasahang tatama ang Bagyong Agaton sa kalupaan ng Caraga at dadaan sa Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Southern Palawan.
Huling namataan ang Bagyong Agaton sa 175 kilometro silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay ng bagyo ang hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras.