Panibagong opisyal ng gobyerno, sisibakin ni Pangulong Duterte

By Rohanisa Abbas January 01, 2018 - 06:57 PM

Nais sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang mataas na opisyal sa gobyerno sa unang araw ng 2018, ayon sa Malacañang.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na iminungkahi niya sa pangulo na ipagpaliban muna ito.

Aniya, hayaan na munang magsaya sa pagpasok ng bagong tao ang naturang opisyal.

 

Ayon kay Roque, nakatakdang ianunsyo ang pagsibak sa opisyal sa January 3.

Gayunman, hindi muna pinangalanan ng Malacañang kung sino ito.

TAGS: duterte, Katiwalian, korapsyon, Malacañang, opisyal, Sibak, duterte, Katiwalian, korapsyon, Malacañang, opisyal, Sibak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.