Mga positibong epekto ng TRAIN, malalamangan ang mga pagtaas ng bilihin – Malacañang

By Rohanisa Abbas January 01, 2018 - 04:23 PM

INQUIRER FILE

Malalamangan ng magagandang epekto ng reporma sa buwis ang pagtaas ng mga bilihin, ayon sa Malacañang.

Sa isang pinayam, ipinaliwanag ni Communications Secretary Martin Andanar na ang malilikom ng gobyerno sa buwis ay mapupunta sa investments at mga proyekto ng gobyerno.

Aniya, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) ay makakatulong na gumawa ng mga karagdagang trabaho.

Maliban dito, sinabi ni Andanar na kalakip din TRAIN ang mga pagbawas ng halaga ng tax, gaya na lamang sa mga gamot.

Noong Disyembre, nilagdaan ni Pangulong Rodrgio Duterte ang TRAIN. Sinabi ng pangulo na layunin nitong itama ang mga dapat ayusin sa batas sa buwis sa bansa.

 

TAGS: economy, price hike, trabaho, Train, economy, price hike, trabaho, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.