4 na Pilipinong mangingisda, sinagip sa Malaysia

By Rohanisa Abbas January 01, 2018 - 03:31 PM

Google Maps

Nasagip ng mga sundalo ng Malaysia ang apat na Pilipinong mangingisda matapos magpalutang-lutang nang anim na araw sa dagat.

Ayon sa ulat, natagpuan ang mga mangingsida malapit sa Pulau Billean, Sandakan.

Kinilala ang mga ito na sina Josefph Aque, Roger Chaves Cheif, Thomas Taboso, at Arnei Feralvero Viana.

 

Bumaligtad ang bangka ng mga mangingsida sa Mangsee Islands sa Palawan sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Vinta.

Kumapit ang apat sa kanilang bangka para makaligtas.

Pinakain at ginamot ang mga Pilipinong mangingisda matapos maisalba.

Nai-turn over na rin sa Philippine authorities ang apat.

TAGS: Bagyong Vinta, Malaysia, Mangingisda, Mangsee, Palawan, Bagyong Vinta, Malaysia, Mangingisda, Mangsee, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.