25 katao sugatan sa palyadong paputok sa Pangasinan

By Len Montaño January 01, 2018 - 12:22 PM SHARE(S):
Inquirer.net File Photo

Dalawampu’t limang katao ang nasugatan matapos masabugan ng palyadong paputok sa kasagsagan ng pagsalubong sa bagong taon sa Dagupan, Pangasinan.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nabatid na magsasagawa sana ng fireworks display sa lugar pero pumalpak ito.

Imbes na lumipad at pumutok paitaas ay biglang sumabog ang paputok habang nasa ibaba pa.

Kasama sa mga tinamaan ay mga bata at mga matatanda na nanonood sa fireworks.

Pinauwi naman na ang mga biktima matapos malapatan ng lunas sa ospital.

 

 

 

 

 

TAGS: 2018, dagupan city, firecracker, fireworks, New Year, pangasinan, 2018, dagupan city, firecracker, fireworks, New Year, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.