Barangay kagawad sa Iloilo City, arestado sa pagpapaputok sa bawal na lugar
Ilang oras bago ang pagsalubong sa taong 2018, inaresto ang isang barangay kagawad sa Iloilo City dahil sa paggamit ng paputok sa labas ng designated area.
Inaresto si Kagawad Ricky Paloa ng Barangay Alalasan, Lapuz Distict sa Iloilo City dahil sa paglabag sa Executive Order 28.
Nagsindi umano ng paputok si Paloa sa lugar na hind sakop ng designated zone sa lungsod.
Auon kay Lapuz District police chief, Senior Inspector Rey Sumagaysay ang katwiran umano ni Paloa ay hindi niya alam na mayroong firecracker designated zone sa ilalim ng EO 28 at iyon ay ang public plaza sa lungsod.
Magugunitang sa nilagdaang EO ni PAngulong Rodrigo Duterte, binabawalan ang mga private citizen na gumamit ng paputok sa kanilang lugar.
Ang mga Local government unit ay inatasan na magtalaga ng designated firecracking zones sa kani-kanilang nasasakupan.
Maliban kay Paloa, dalawa pa ang inaresto sa Lapuz District dahil sa pagpapaputok kabilang si Jeffrey Blanco, 29 anyos at Jefferson Claro, 41 anyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.