2 sundalo arestado sa Taguig dahil sa pagpapaputok ng baril
Inaresto ang dalawang sundalo sa Taguig City makaraang ireklamo sila ng ilang residente dahil sa pagpapaputok ng baril sa kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon.
Dinakip sina Staff Sergeant Jamael Mindalano, 38-anyos at si Corporal Richard John Quijano, 30-anyos sa Barangay New Lower Bicutan.
Sa reklamo ng mga residente, lasing umano si Mindalano nang ito ay magpaputok ng baril. Kasama ni Mindalano si Quijano nang gawin nito ang pagpapaputok ng baril.
Nakuha mula sa dalawang sundalo ang dalawang kalibre 45 na baril, 9mm kalibre na baril, kalibre 38 na baril at iba’t ibang mga bala.
Kasong indiscriminate firing, alarm and scandal, physical injury, direct assault, serious disobedience, at illegal possession of firearms ang maaring isampa laban sa dalawa.
Ayon kasi sa Taguig police, hindi lisensyado ang mga narekober na baril mula sa dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.