Tinupok ng apoy ang aabot sa 50 mga bahay sa Davao City sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Naganap ang sunog sa Agdao District sa Barangay Wilfredo Aquino alas 12:30 ng madaling araw.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Marang Street na mabilis kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Wala namang nasugatan o nasaktan sa sunog.
Inaalam pa ng mga tauhan ng BFP kung ano ang pinagmulan ng apoy.
MOST READ
LATEST STORIES