LOOK: Mga kanseladong flight ngayong araw dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2018 - 07:24 AM

(UPDATE) Sa unang araw ng taong 2018, may mga kanseladong biyahe ng eroplano dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang sa mga kanseladong biyahe ang mga sumusunod:

  • Flights 2P 2921 at 2922 Manila – Legazpi – Manila ng PAL Express
  • Flights 5J 373 at 374 Manila – Roxas – Manila ng Cebu Pacific
  • Flights PR 2374 Cebu – Siargao ng Philippine Airlines
  • Flights DG 6080 Cebu – Masbate ng CebGo

Ayon sa PAGASA, ang extension ng Low Pressure Area (LPA), ay nagpapaulan na sa maraming lugar sa bansa.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cancelled flights, Legazpi City, Ninoy Aquino International Airport, pal express, cancelled flights, Legazpi City, Ninoy Aquino International Airport, pal express

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.