Unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol alas 4:59 ng madaling araw sa 2 kilometers South ng Prosperidad.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 1 kilometer lang ang pagyanig at tectonic ang origin.
Samantala, makalipas ang wala pang isang oras, naitala naman ang magnitude 3.0 na lindol sa nasabi ring lugar.
Ang epicenter ng lindol ay naganap sa 6 kilometers South ng Prosperidad alas 5:53 ng umaga.
1 kilometer lang din ang lalim ng ikalawang pagyanig.
Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES