Dalawang magkasunod na lindol, naitala sa Prosperidad, Agusan Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2018 - 06:53 AM

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang bayan ng Prosperidad sa Agusan Del Sur.

Unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol alas 4:59 ng madaling araw sa 2 kilometers South ng Prosperidad.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 1 kilometer lang ang pagyanig at tectonic ang origin.

Samantala, makalipas ang wala pang isang oras, naitala naman ang magnitude 3.0 na lindol sa nasabi ring lugar.

Ang epicenter ng lindol ay naganap sa 6 kilometers South ng Prosperidad alas 5:53 ng umaga.

1 kilometer lang din ang lalim ng ikalawang pagyanig.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Prosperidad Agusan Del Sur, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Prosperidad Agusan Del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.