Binabantayang LPA ng PAGASA nagpapatuloy sa paglapit sa Mindanao
Patuloy na binabagtas ng binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA ang direksyong kanluran papalapit sa kalupaan ng Mindanao.
Sa huling abiso ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 545km silangan ng Surigao City sa Surigao del Norte.
Inaasahang ngayong araw ay mas lalakas pa ito magiging isang ganap na bagyo at tatawaging Agaton.
Magdadala ito ng maulap na kalangitan na may panaka-naka hanggang malawakang pag-uulan at thunderstorms sa Visayas region, CARAGA, at Northern Mindanao. Asahan naman ang panaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Bicol region at natitirang bahagi ng Mindanao.
Dahil dito ay mayroong mga posibilidad ng flash floods at landslides sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, kaunting pag-uulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, probinsya ng Quezon, at Metro Manila, dulot ng nararanasang northeast monsoon o hanging amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.