Duterte, nanawagan ng pagkakaisa ng mga Filipino para sa 2018

By Rhommel Balasbas January 01, 2018 - 04:24 AM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na magkaisa upang malampasan ang kinahaharap na mga suliranin sa pagpasok ng bagong taon.

Umaasa ang pangulo na ang kooperasyon ng bawat isa ay magiging susi upang maipagpatuloy ang mga nasimulan nang pagbabago sa nakalipas na taon.

Anya, marami ang balakid upang matamo ang pag-unlad tulad ng kriminalidad, korapsyon at iligal na droga.

Gayunpaman, ang katatagan anya ng mga mamamayan ay magbibigay daan upang malampasan ang mga ito bilang isang bansa.

Nanawagan siyang salubungin ng bawat isa ang bagong taon ng may bagong pag-asa at manatiling determinado sa pagkamit sa inaasam na mas magandang bukas.

Tinawag naman ni Duterte ang taong 2017 na “Year of Sorrow” o taon ng pighati dahil sa sunud-sunod na mga trahedyang dulot ng kalamidad at gawa ng tao.

Umaasa ang presidente na bibigyan ng Diyos ang bansa ng panibagong simula ngayong 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.