DOLE nagpaalala sa holiday pay rules ngayong bagong taon

By Justinne Punsalang January 01, 2018 - 04:01 AM

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer tungkol sa holiday pay rules ngayong bagong taon.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa December 31 at January 1 bilang regular holiday ay kailangan ring magpatupad ang mga pribadong sektor ng special pay rules sa kanilang mga empleyadong papasok sa dalawang nabanggit na araw.

200% ng regular na arawang sweldo ng mga empleyado ang kanilang dapat matanggap kung sila ay pumasok kahapon, December 31, at papasok ngayong araw ng January 1 sa loob ng unang walong oras.

Karagdagang 30% naman sa kanilang kada-oras na sweldo ang madadagdag kung lalagpas sa walong oras ang pagtatrabaho ng mga empleyado.

Mayroon ding 30% pang matatanggap ang mga manggagawa kung papasok sila sa mga naturang araw at tatapat ito sa kanilang araw ng pahinga.

Buo namang matatanggap ng mga mangagawa ang kanilang mga sweldo para sa December 31 at January 1 kahit na hindi sila pumasok sa mga araw naito.

Hinimok ni Bello ang mga employers na sumunod na lamang sa mga naturang rules para hindi na maharap pa sa mga sanction na ipapataw ng kagawaran.

Paalala naman ng DOLE, pawang ang mga manggagawa mula sa executive branch ng pamahalaan ang walang pasok para sa araw ng bukas, January 2, sa bisa ng Memorandum Circular No. 37 na inisyu ng Malacañan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.