Oil products, hindi pa pwedeng patawan ng excise tax – DOE
Inabisuhan ng Department of Energy (DOE) ang mga oil companies na huwag munang magpataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa pagsapit ng unang araw ng taon.
Iginiit ni Energy Undersecretary Wimpy Furentebella na lumang stock pa ang ibebenta kahit bagong taon na at hindi pa ito dapat patawan ng buwis.
Anya, ang excise tax ay dapat lamang ipataw sa mga langis na aangkitin pa lamang.
Sinegundahan naman ng grupong Tax Management Association of the Philippines ang naging pahayag ng kagawaran.
Anila, tama ang posisyon ng DOE dahil ang panibagong excise tax rate ay papalo pa lamang sa mga produktong aangkatin pa lamang.
Iginiit ng grupo na maglalabas ang DOE ng klaripikasyon kung kailan ipatutupad ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.