Pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao dinepensahan ng SolGen

By Justinne Punsalang January 01, 2018 - 03:48 AM

Dinepensahan ni Solicitor General Jose Calida ang pagpapalawig hanggang sa katapusan ng 2018 ng batas militar sa Mindanao.

Ito ay matapos maghain ng petisyon sa Supreme Court si Albay Representqative Edcel Lagman at iba pang mga mambabatas na magpataw ito ng temporary restraining order sa pagpapalawig ng martial law.

Sa isang pahayag, nanindigan si Calida na kailangan ang martial law extension dahil bagaman natapos na ang kaguluhan sa Marawi City dulot ng ISIS-inspired Maute terror group ay mayroon pa ring rebelyon na isinasagawa ang iba pang mga terorista at komunistang grupo sa Mindanao.

Ayon pa dito, dapat bisitahin ng mga tumutuligsa sa martial law extension ang mga pinagkukutaan ng mga rebeldeng grupo para malaman nila mismo kung ano talaga ang nangyayari sa mga lugar na ito at makita rin nila na gusto talagang sirain ng mga rebelde ang soberanya ng bansa.

Depensa pa ng SolGen, nakasaad sa Saligang Batas na maaaring ipatupad ang martial law sa mga lugar kung saan mayroong rebelyon, ibig sabihin aniya, mayroong masehan ang extension ng batas militar sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.