Barangay captain patay sa pamamaril sa Masbate

By Justinne Punsalang January 01, 2018 - 03:43 AM

Dead-on-the-spot ang isang barangay captain matapos itong barilin sa bayan ng Aroroy sa Masbate.

Kinilala ang biktimang si Samuel Gerez, 53 taong gulang na pinamumunuan ang Barangay San Isidro.

Ayon sa tagapagsalita ng Bicol Regional Police Office na si Senior Inspector Malou Calubaquib, riding in tandem ang itinuturong pumaslang kay Gerez.

Lumabas aniya sa kanilang imbestigasyon na sinundan ng mga salarin si Gerez mula pa lamang sa Barangay Talabaan. At nang magkaroon ng pagkakataon ay pinaputukan ang biktima na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang pagkakakilanlan ng mga salarin, maging ang motibo sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.